Search This Website

Pasalitang Awit by Rolando S. Tinio (Poem)

Pasalitang Awit
by Rolando S. Tinio


(Para kay Ella)

Sa iyo hahapon ang aking umaga,
Sintang maligalig kapag umaalon.
Kulubin mo ako sa usok at baga;
Ang bawat araw ko’y tulutang humapon.

Sa iyo pipitak, liwanag ng loob,
Mahal kong kay rupok, akala mo’y ulap.
Payapa kong ito’y payapa ng tulog,
At lalong payapa tuwing mamumulat.

Sa iyo tataas ang aking tanghali;
Lahat ng anino’y magtatalilisan.
Sa tanghaling tapat, ako ang itangi;
Kasuyo, huwag mo akong bibitawan.

Sa iyo lalatag, pilak ng ligaya,
Aakyat ang buwan, titining ang dagat.
Aba’y biglang-bigla, di halos makaya,
Hudyat ng tag-ulang bubugso, kakalat.

The Summer Solstice by Nick Joaquin (Short Story)

The Moretas were spending St. John’s Day with the children’s grandfather, whose feast day it was. Doña Lupeng awoke feeling faint with the h...