Lubid
by Lamberto E. Antonio
Anhin ko mang tignan
(Tinging panakaw pa),
Iisang larawang may dalang kilabot
Ang ibinibigay sa akin ng lubid
Hindi mga paslit na humahagikhik
At nagluluksuhan sa pag-aakalang
Basta Mawawaglit ang kalam ng tiyan
Sa di pagkasangga ng lubid sa paa;
Hindi rin ang hayop na sumisingasing
At inihahagkis ang sungay sa tulos,
O ngunguya-nguyang nagpapaumanhin
Sa bigat at haba ng buhay sa lupa
Kung ang lubid sana’y
Namalagi man lang tulay
Na tawiran sa oras ng gutom, kung
Di naging bagay na ibinubuhol
Upang ipanggapos
Baka matingnan kong
Karaniwang gamit na nakaligtaang
Sinupin sa silid –
Ngunit ito’y lubid na bibitin – bitin
Sa dilim ng sulok: nagsagawa marahil
Yumapos sa ulo ng alagang hayop,
Ito’y napilitang lumipat sa leeg
Ng isang amaing naghanap
Ng sagot sa paghihikahos.
Search This Website
Showing posts with label Lamberto E. Antonio. Show all posts
Showing posts with label Lamberto E. Antonio. Show all posts
Sa Gabi ng Isang Piyon by Lamberto E. Antonio (Poem)
Sa Gabi ng Isang Piyon
by Lamberto E. Antonio
Paano ka makakatulog?
Iniwan man ng mga palad mo ang pala,
Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan,
Alas-singko’y hindi naging hudyat upang
Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga.
Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin
Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay:
Mga lintos, galos, hiwa ng daliri braso’t utak
Kapag binabanig na ang kapirasong playwud,
Mga kusot o supot-semento sa ulilang
Sulok ng gusaling nakatirik.
Binabalisa ka ng paggawa —
(Hindi ka maidlip kahit sagad-buto ang pagod mo)
Dugo’t pawis pang lalangkap
Sa buhangin at sementong hinahalo na kalamnang
Itatapal mo sa bakal na mga tadyang:
Kalansay na nabubuong dambuhala mula
Sa pagdurugo mo bawat saglit; kapalit
Ang kitang di-maipantawid-gutom ng pamilya,
Pag-asam sa bagong kontrata at dalanging paos.
Paano ka matutulog kung sa bawat paghiga mo’y
Unti-unting nilalagom ng bubungang sakdal-tayog
Ang mga bituin? Maaari ka nga lamang
Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis
Ang graba’t ‘semento sa iyong hininga…
Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t maya
Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold
Na kinabukasa’y babaklasin mo rin.
by Lamberto E. Antonio
Paano ka makakatulog?
Iniwan man ng mga palad mo ang pala,
Martilyo, tubo’t kawad at iba pang kasangkapan,
Alas-singko’y hindi naging hudyat upang
Umibis ang graba’t semento sa iyong hininga.
Sa karimlan mo nga lamang maaaring ihabilin
Ang kirot at silakbo ng iyong himaymay:
Mga lintos, galos, hiwa ng daliri braso’t utak
Kapag binabanig na ang kapirasong playwud,
Mga kusot o supot-semento sa ulilang
Sulok ng gusaling nakatirik.
Binabalisa ka ng paggawa —
(Hindi ka maidlip kahit sagad-buto ang pagod mo)
Dugo’t pawis pang lalangkap
Sa buhangin at sementong hinahalo na kalamnang
Itatapal mo sa bakal na mga tadyang:
Kalansay na nabubuong dambuhala mula
Sa pagdurugo mo bawat saglit; kapalit
Ang kitang di-maipantawid-gutom ng pamilya,
Pag-asam sa bagong kontrata at dalanging paos.
Paano ka matutulog kung sa bawat paghiga mo’y
Unti-unting nilalagom ng bubungang sakdal-tayog
Ang mga bituin? Maaari ka nga lamang
Mag-usisa sa dilim kung bakit di umiibis
Ang graba’t ‘semento sa iyong hininga…
Kung nabubuo sa guniguni mo maya’t maya
Na ikaw ay mistulang bahagi ng iskapold
Na kinabukasa’y babaklasin mo rin.
Ang Araro by Lamberto E. Antonio (Poem)
Ang Araro
by Lamberto E. Antonio
Nagsimulang kalawangin
ang araro.
May inuukilkil ang hangin
sa pinid na kubo.
Nagsimulang kalawangin ang araro.
Di maiiwasang mapawaglit nito.
Walang sasawata sa kalawang nito.
Kinakalawang na tulad ng itak
na itinaga sa bato,
tulad ng makinang naghahanap
ng malangis na kamao.
Walang sasawata sa kalawang nito.
Kinakalawang dahil sa mga bagay
na di ikatulog,
muhong pinamumukadkaran ng dugo
kapag nalilipat ng pook.
Kinakalawang dahil sa mga sulong pinagdiringas
ng punglo.
Dahil sa umagang gumagapang sa talahibang
pinatabal ng salansan ng mga bungo,
at bugso ng panagimpang umaalingawngaw
na taon habang pinupugto.
Ang araro---
subyang sa gunita ng nanglalamy
na anino.
by Lamberto E. Antonio
Nagsimulang kalawangin
ang araro.
May inuukilkil ang hangin
sa pinid na kubo.
Nagsimulang kalawangin ang araro.
Di maiiwasang mapawaglit nito.
Walang sasawata sa kalawang nito.
Kinakalawang na tulad ng itak
na itinaga sa bato,
tulad ng makinang naghahanap
ng malangis na kamao.
Walang sasawata sa kalawang nito.
Kinakalawang dahil sa mga bagay
na di ikatulog,
muhong pinamumukadkaran ng dugo
kapag nalilipat ng pook.
Kinakalawang dahil sa mga sulong pinagdiringas
ng punglo.
Dahil sa umagang gumagapang sa talahibang
pinatabal ng salansan ng mga bungo,
at bugso ng panagimpang umaalingawngaw
na taon habang pinupugto.
Ang araro---
subyang sa gunita ng nanglalamy
na anino.
Pastol by Lamberto E. Antonio (Poem)
Pastol
by Lamberto E. Antonio
Sakay ng kalabaw na may tarak na silahis,
Ang pulang kanluran sa pisngi ng pastol
Ay kundimang maisisipol.
Narinig ko nang sumipol ang isang babaing
Binangas ng hangin at gilik ang mukha;
Narinig ko nang sumipol ang isang lalaking
Hinukos ng pagbuntot sa araro.
At nasumpungan ko ang sariling sumisipol:
Isang batang nagmula sa paghahanap
Ng itlog ng maya at tagak —
Nakatalungko at nag-aalis ng amorseko sa damit
Sa puyo ng burol habang nanghuhula
Sa salayasay ng mga bituin.
by Lamberto E. Antonio
Sakay ng kalabaw na may tarak na silahis,
Ang pulang kanluran sa pisngi ng pastol
Ay kundimang maisisipol.
Narinig ko nang sumipol ang isang babaing
Binangas ng hangin at gilik ang mukha;
Narinig ko nang sumipol ang isang lalaking
Hinukos ng pagbuntot sa araro.
At nasumpungan ko ang sariling sumisipol:
Isang batang nagmula sa paghahanap
Ng itlog ng maya at tagak —
Nakatalungko at nag-aalis ng amorseko sa damit
Sa puyo ng burol habang nanghuhula
Sa salayasay ng mga bituin.
Subscribe to:
Posts (Atom)
The Summer Solstice by Nick Joaquin (Short Story)
The Moretas were spending St. John’s Day with the children’s grandfather, whose feast day it was. Doña Lupeng awoke feeling faint with the h...