Search This Website

Paglikha by Benilda S. Santos (Poem)

Paglikha
by Benilda S. Santos


Tuwing makakahanap ako ng tula
sa laktaw-laktaw na liwanag sa ulap sa gabi,
sa laganap na dilim ng ulap sa araw,
ang natatagpuan ko ay buwan at ulan.

Sa mukha ng buwan
nababasa ko ang paglusong at pag-ahon,
ang pagkukubli at paglalantad, at
ang himala ng pagiging malinis na ostisya ng langit
sa kabila ng maraming pilat.

Sa patak ng ulan
naririnig ko ang lagaslas at ragasa,
ang hikbi at hagulgol, at
ang himala ng pagiging dalisay na alak ng lupa
sa kabila ng alat at pait.

At isusulat ko:
Ako ang ulap na bilanggo ng liwanag at dilim,
na magpahanggang-ngayon lambong lamang ng buwan
at magpahanggang-wakas lambat lamang ng ulan.

The Summer Solstice by Nick Joaquin (Short Story)

The Moretas were spending St. John’s Day with the children’s grandfather, whose feast day it was. Doña Lupeng awoke feeling faint with the h...