Search This Website

Neneng by Merlinda Bobis (Poem)

Neneng
by Merlinda Bobis


pitong taon ka,
ngunit kilalang-kilala na
sa uma-umaga ng makitid mong bangketa-
“’ma, sigarilyo; ale, sampagita.”
dito, tinutuhog ng iyong mga mata
ang piyesta ng iba,
sinisimot ng taynga
ang umaapaw na halakhak nila,
hanggang makarburo ang kislap ng iyong mata
at kuminang ito na singko sa kalsada.

pitong taon ka,
ngunit gabi-gabi, nagpapakasal na
sa hatak ng sanlibong anino;
idinadambana sa lamig ng kongkreto,
sabay bendisyon ng putik sa estero.
pinagkakatuwaan ng mga maligno,
kinakalaro nila, kinakandong pa,
kinakasama, kinukubeta-
tagasalo daw kasi ng himutok nila,
tagaalis ng buwisit na tinga.

The Summer Solstice by Nick Joaquin (Short Story)

The Moretas were spending St. John’s Day with the children’s grandfather, whose feast day it was. Doña Lupeng awoke feeling faint with the h...